President for Rent (volume 1 issue 1)
Issue: Administration
Mga peeps, para sa aking unang suggestion para sa President for Rent volume 1 issue 1 ang tatalakayin natin ay ang administration. Wag mabahala at hindi ito entry na nagrereklamo tungkol sa administrasyon, pero ito ay isang blog entry na tumatalakay sa administration.
Sa aking napapansin, hindi naman tayo nauubusan ng taong gustong maupo sa administration, at hindi naman problema ang shortage para sa mga pulitiko. Marami ang nagpapakamatay (at pumamatay) para makaupo lang naman. Kaya ang aking suggestion ay baguhin ang sistema sa paraan ng pagbago ng hierarchal structure.
Mayroon tayong tinatawag na “check and balance system” o separation of powers. 3 ang ating division ng state ang Executive, Legislative, at Judicial. Hindi ko na tatalakayin ang mga areas of responsibility ng mga ito dahil bilang mamamayan ng isang democratic system dapat kabisado na natin ito. Sa nakikita ko ay kulang sa effectiveness ang systemang ito. Translation: it fails to fulfill its purpose and that is to protect democracy and forestalls tyranny. Sa aking pananaw, hindi mababago ang systemang ito kung papalitan lang natin ang mga nakaupo. Kaya hayaan nyon akong magbigay ng suggestion.
Imbes na iisa lang ang mga nakaupong presidente (executive president, senate president, chief justice) gagawin na nating lima o mas marami pa!
“Absolute power corrupts absolutely” -G. Orwell
Sa paraang ito, mababawasan ang corruption! Paano? Ganto yan, pag lima na o marami pa ang mga presidente, mas maddiscourage ang mga corrupt na umupo kasi may kahati na sila! Biruin mo bakit ka pa dadaan sa hassle ng pandaraya kung hindi rin naman worth it.
Benefits < Risk
Mas matututukan narin ang mga punong upuan dahil marami ka ng peeps! Parang musical chair ang dating diba? Sa paraang ito, mas maraming issue narin ang matutunan kasi mas marami nang utak ang nag vovolt in para magsolve.
Abangan: aking proposal for presidential mates!
Bawal magreklamo ang hindi boboto!
Lovingly,
Kris Choa
ps.
E.O #1
Magisip ng potential presidential candidates at magcomment sa blog ko tungkol sa naisip.
