President for Rent vol.1 issue 2
Issue: Education
Naniniwala ako na ang pinaka magandang asset ng isang bansa ay ang kanyang mga mamamayan. Kaya nga ang favorite export natin ay labor eh. Sa issue na ito tayo magffocus ngayon. Ready kids?! Let’s go!
Nagkulang si Maslow ng binuo nya ang Hierarchy of Needs sa paglagay nya ng mga bagay na nabibilang sa physiological needs, tinatawag ring basic needs. Nakalimutan nyang ilagay ang education sa part na yun. Maraming makakapagargue na ang education ay isang security need, something to secure you for the future, at hindi ito basic need. Ang argument natin na yan ay hindi matatapos. Ang paniniwala ko ay basic need sya dahil hindi lang naman systemized education ang kabilang sa sector na yun.
Education ang isang investment ng gobyerno na hindi dapat gipitin. Ito ang huhugis sa mga mamamayan ng bansa. Hindi lang bilang future labor supply pero bilang responsible citizens narin.
Ayon sa Functional Literacy, Education, and Mass Media Survey (FLEMMS) na part ng NSO
“The 2003 FLEMMS results also show that around 11.6 million or about 34 percent of the 34 million population 6 to 24 years old in the country were not currently attending school.”
11.6 million ang hindi nakakapagaral. 11.6 million people ang potential contributor to GDP na hindi nakakatangap ng systemized education. Ewan ko lang kung may mali sa calculation ko pero ano ang nagaabang na kinabukasan para sa 11.6 million na mamamayan? Pumapangalawa ang NCR sa pinaka mataas na porsyento ng population na hindi nakakapasok sa paaralan with 36.9 percent.
Okay tama ng angal ano ang plan of attack ko kamo?
Simple lang. TAX (dan dan DAN!!!!) oo tax nga! ‘Eh nagbabyad na ko ng income tax, ng VAT, ng business tax, estate tax, sin tax, lahat na ng tax nabayaran ko na ah!’ Narinig ko na yan! Hindi pa tayo pinapanganak may tax na tayong binabayaran! Pero ganto yan, lahat ng edukasyon libre! As in libre, free, single and ready to mingle! Mula primary hanging college libre dapat! Oo may mga public school, oo may UP naman, pero hindi naman tayo lahat nakakapasok ng UP e (bitter), at hindi lahat ng bata nagkakasya sa iilang silid aralan ng public schools. Malawak at libreng education ang kailangan natin.
Tax ang sagot. Gagawa ako (along with my future legislative members) ng bagong tax. Yung tax na yun ang magbabayad ng mga gastusin sa libreng education.Pagkagraduate mo syempre magtratrabaho ka na, at dahil maganda ang education na natangap mo mas madali kang matatanggap. Sa buwanang sweldo mo maghihiwalay na tayo ng special tax na pang edukasyon. Tatawagin natin itong TaxEd Hindi na natin ito ihahalo sa ibang tax na sumasagot sa iba pang gastusin ng bayan. Kada sweldo mo babawasan na natin ng .1 percent at derechong ilalaan sa pondong pang education. Sa ganitong paraan maeenganyo ang gobyerno na magsupply ng mga trabaho sa graduates nya. Oh diba epektib?
Hindi lang mapapalakas ang labor force ng bansa pati narin ang labor demand lalakas, lalo na’t makikilala tayo bilang dekalidad, at baka dumating rin ang panahon na hindi na natin kailangan magexport ng tao. Hindi naman lahat tayo mukang sardinas.
Bawal magreklamo ang hindi boboto!
Lovingly,
Kris Choa
p.s.
EO #002
Nabangit ng flemms na NCR ang pangalawa sa pinakamalaking porsyento ang hindi nakakapagaral. Lumabas ng village, at tumawid. Tanongin ang unang batang makita na 8 years old and above kung marnunong sya magbasa at magsulat.
Sources:
March 13, 208
